Pansit-pansitan: Mabisang Halamang Gamot sa Pamamaga
Ang pansit-pansitan o kilala sa scientific name na Peperomia pellucida Linn ay isang mailiit, ngunit matabang halaman na ginagamit bilang pagkain at halamang gamot. Ang halamang ito ay maaaring kainin ng hilaw o luto. Ang pansit-pansitan, ayon sa matatanda ay gamot sa gout at arthritis. Sinasabing nagagamot din nito ang iba pang uri ng pamamaga sa katawan. May mga nagsasabi rin na ang halamang gamot na ito ay lunas sa iba’t ibang uri ng sakit dahil sa taglay nitong mga sangkap tulad ng analgesic o panlaban sa sakit, anti-arthritic panlaban sa sakit dulot ng arthritis at diuretic o pampa-ihi.