May mga halamang gamot na maaaring makatulong sa paggamot ng Urinary Tract Infection (UTI), ngunit mahalagang tandaan na ang mga ito ay dapat gamitin bilang pandagdag sa mga medisina na inireseta ng doktor, at hindi bilang kapalit. Ang mga halamang gamot ay maaaring magbigay ng natural na lunas at tulong sa pagbawas ng sintomas ng UTI, ngunit ang konsultasyon sa isang propesyonal na medikal ay mahalaga upang masiguro ang tamang paggamot.
Bakit nakakatulong ang Halamang gamot sa UTI?
Ang urinary tract infection (UTI) ay isang impeksyon na karaniwang sanhi ng bacteria na pumapasok sa urinary tract. Ang E. coli (Escherichia coli), na karaniwang matatagpuan sa gastrointestinal tract, ang pangunahing sanhi ng UTI. Ang ilang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa pag-iwas at paggamot ng UTI sa pamamagitan ng kanilang natural na antibacterial, anti-inflammatory, at diuretic properties.
Likas sa Pinoy ang pag gamit ng Halamang gamot
Ang pag-inom ng mga herbal tea ay isang nakasanayan na gawain ng mga Pilipino dahil ito ay tunay na nakakatulong para mapagaling ang iba’t ibang uri ng karamdaman, kasama na ang UTI o urinary tract infection. Sa halip na uminom ng gamot o antibiotics, maraming tao ang naghahanap ng natural na paraan para labanan ang mga impeksyon.
Narito ang ilang halamang gamot na maaaring inumin upang makatulong sa pagpapadalas ng pag-ihi at labanan ang bacteria na dala ng UTI
9 Halimbawa ng Halamang gamot para sa UTI
Cranberry – Ang cranberry ay isang prutas na mayaman sa proanthocyanidins, isang uri ng asukal na mabisa sa paglaban at paggamot sa mga impeksyon tulad ng UTI. Kahit na walang gaanong halaman ng cranberry dito sa Pilipinas, maaari kang bumili ng cranberry juice sa mga supermarket para labanan ang UTI.
Green Tea – Ang green tea ay nagmula sa halamang Camellia sinensis. Ito ay isang mabisang antioxidant at may anti-microbial at anti-inflammatory effects. Sa isang pag-aaral, natuklasan na ang epigallocatechin gallate (EGCG), isang kemikal na makukuha sa green tea, ay mainam na panlaban sa bacteria na sanhi ng UTI.
Parsley – Ang parsley ay isang banayad na diuretic na makakatulong para mailabas ang bacteria mula sa urinary tract. Pinakukuluan ang mga dahon nito at ginagawang tsaa.
Paragis – Ang paragis ay may natural na diuretic na kakayahan na mapadali ang pag-ihi ng isang taong may UTI. Ang tuloy-tuloy na pag-ihi ay nakakatulong upang mailabas ang bacteria na nasa urinary tract. Maaari mong manglaga ng paragis o uminom ng capsule nito.
Mint – Bukod sa masarap itong gawing tsaa, nakakatulong rin ang halamang ito para labanan ang bacteria na sanhi ng UTI.
Balbas Pusa o Tahibo – Ang halamang ito ay nakakatulong na umihi nang madalas ang taong may UTI. Ginagawang tsaa ang mga dahon nito. Kumuha ng sapat na dami ng dahon ng balbas pusa, tadtarin ito at magdagdag ng apat na baso ng tubig sa bawat isang tasa ng dahon. Pakuluan ito ng 10 hanggang 15 minuto, hayaan itong lumamig at salain. Uminom nito ng kalahating tasa tatlong beses kada araw.
Aling Gatong – Ang aling gatong ay maaaring makatulong na mailabas ang harmful bacteria na nasa urinary tract. Maaari kang makabili nito na powder o maglaga ng dahon o ugat nito. Maaari ring magdagdag ng honey o sibuya para sa mas masarap na lasa.
Dahon ng Pandan – Ang dahon ng pandan ay sinasabi ding mabisang gamot sa UTI. Maglaga lamang ng tatlo hanggang limang piraso ng dahon, pakuluan ito ng 10 hanggang 15 minuto. Maaari ring magdagdag ng luya dahil ang luya ay may anti-microbial properties na maganda para sa mga may sakit na UTI. Inumin ang tsaa tatlong beses sa isang araw.
Guyabano – Ang guyabano ay isa sa mga halamang gamot na kilala bilang gamot sa napakaraming karamdaman, kabilang na ang UTI. Ito ay sagana sa Vitamin C at may antibacterial property. Maaaring uminom ng tsaa nito ang mga taong may UTI. Magpakulo lang ng pito hanggang sampung piraso ng dahon ng guyabano at tatlo hanggang apat na baso ng tubig. Inumin ito tatlong beses sa isang araw.
Bagaman ang mga halamang gamot na ito ay makatutulong sa sakit na UTI, mahalaga pa rin na sumunsulta sa doktor upang makaiwas sa mga posibleng side effects nito at para maiwasan ang sakit na UTI. Uminom ng hindi bababa sa walong basong tubig araw-araw, uminom ng Vitamin C, kumain ng mga probiotics tulad ng yogurt, mga burong pagkain, at kimchi, magkaroon ng healthy hygiene at cleaning habits, iwasan ang pagpipigil ng ihi, ugaliing magpalit ng underwear para sa mga kababaihan, at siguraduhing malinis ang banyo, lalo na ang toilet bowl.
Iba pang mga Babasahin
Gamot sa napaso ng tubig – Halamang gamot Aloe vera
Mga benepisyo ng halamang Oregano oil – 10 halimbawa